RSS

Sa Index, Si Kuya, Ang PSP

21 Mar

Kahapon nagpunta kami ng kuya ko sa Index para magpagupit. At syempre kasama na rin dun ang pagpapalinis ng kuko kaya golden yellow ang nails ko ngayon.

Habang naglalakad sa Times Street, walang maliw ang ang pagsasalita ng kuya ko. “Neng, papayat ka na please… mula ngayon bawasan mo na pagkain mo ha…” Samantalang ako wala ring maliw sa pagmumuni-muni. Apat na taon na mula nang huling maglakad ako dito. Dati tuwing pumupunta ako dito, marami akong nakikitang kakilala.

Apat na taon.

Marami na rin ang nangyari. Marami na rin ang hindi nangyari. Sayang. Sayang at hindi ko nai-record ang lahat. Sayang at hindi ko nagawa ang lahat.

Hindi ko na sana gustong maging emo na naman. Dahil wala naman dapat dahilan. Kaso drama queen lang talaga ako siguro. Kaya yan.

Sa Index. HAHA. Natawa ako nang maalala ko. Third year high school kami at prom night nun. Ako ang tatanggap ng Book of Wisdom na ipapamana ng graduating students sa batch namin (syempre scripted na to). Pero sa umaga bago iyon, may MTAP contest kami. Bale, mga 5 kami darating ng school. Pero sa Las Pinas pa yon at sa Manila ang prom, kaya sinundo ako pagkatapos ng contest at diniretso sa may Retiro, at dun na-discover ang Index, na talaga namang mas mura kesa sa Ricky Reyes at David’s Salon. At dahil dyan! Mas maganda ako sa kasama ko sa MTAP non. HAHA. :))

Si Kuya. At ang PSP niya. Hindi na ko masyadong magkukwento. Wala naman talagang kwento dito. Wala ring kwenta.

Naiinis lang ako.

Kasi lahat ng schoolmates ko, lahat ng nakilala ko apat na taon na ang nakakaraan, ga-graduate na.

Samantalang ako nanganganib pa, at muli’t muli ay magbabalik-tanaw sa nakaraang gustung-gusto kong balikan at muli’t muli ay magsisisi dahil sa kasalukuyang gustung-gusto kong talikuran.

Pero ano pa nga bang magagawa ko.

Kung hindi maging forcedengineer.

Ga-graduate din ako.

Dalawang taon…. dalawang taon hindi na dapat lumampas.

 
26 Comments

Posted by on March 21, 2010 in I'm Dead Serious.

 

26 responses to “Sa Index, Si Kuya, Ang PSP

  1. sors88

    March 26, 2010 at 1:02 pm

    yakang yaka yan

    alam ko magagawa mo (fc ako hehe)

    padaan ulit

     
    • Carizza

      March 26, 2010 at 9:04 pm

      Salamat sors.🙂

      Balik ka ha.😀

       
      • jonathan

        April 3, 2010 at 5:51 pm

        musta ka na…

         
      • Carizza

        April 3, 2010 at 9:09 pm

        Ok lang ulit. HAHA.

         
  2. Karren Renz Seña

    March 25, 2010 at 11:40 pm

    Neng, konting kemerloo nalang, keribels na nag katapusan ng paghihirap mah. Kung ikaw forcedengineer, ako naman forced tagapagmana ng kemerloong family business. Pero fly na rin one day. Minsan sa chever ng tao may mga bagay na kailangang gawin kahit hindi mo gusto. Pero sa huli, ikaw din ang masusunod.🙂

    Hold on tight!😀

    Hayaan mo’t magsasalo tayo ng chockiss at mais sa UP pag umariba ka na.😀

     
    • Carizza

      March 26, 2010 at 8:55 pm

      Aray ko naman teh, nalunod ako sa kabaklaan mo.

      Keri ko pa naman lumaban kaso nahihiya na ko sa parents ko na made-delay na naman ako.

       
      • Karren Renz Seña

        March 26, 2010 at 8:58 pm

        Sorry naman, may sapi ako. Lam mo na, nangyayari yun sa totoong buhay.

        Mahirap din yung ganyang wala ka sa wisyo. Pero teh, hanggat kaya, kapit lang.🙂 Positive thinking lang katapat ng lahat ng kemer sa mundo!

         
      • Carizza

        March 26, 2010 at 9:10 pm

        O kamusta naman ang sem mo?

         
  3. slaveboi

    March 25, 2010 at 9:36 am

    You can do it!🙂 Hehe.

    I kinda noticed you’ve been writing in Tagalog na. Is the world conspiring against me?😦 Hehe. Joke. Mahirap lang talaga to read. But for you, I’ll soldier on. Nakz.

     
    • Carizza

      March 26, 2010 at 8:53 pm

      HAHA, thank you for this CJ. ILY na. LOL.😛

      Yan kasi, you’re too Inglisero na raw kase. And IDK good English like yours.🙂

       
  4. Lust

    March 24, 2010 at 9:41 am

    ay,,anu ba talga ang kors na gusto mo?

     
    • Carizza

      March 24, 2010 at 7:30 pm

      HAHA. Di ko pa rin alam e. Kaya ikaw, make the right choice.🙂

       
      • Lust

        March 24, 2010 at 10:30 pm

        gusto ko magpsychology,,,di ko lang alam kung makakapasa ako

         
      • Carizza

        March 26, 2010 at 8:45 pm

        Papasa ka! Keep the faith!

         
  5. raspberryreich

    March 24, 2010 at 12:46 am

    Kung ikaw si forcedengineer, ako naman si forcedaccountant. >_>

    It’s always pleasant to look back at old memories. I can’t help but reminisce myself whenever I feel so lonely at this path I chose. Gosh, I’m so cheesy. But, seriously, looking back always feels good😀.

    Direct me to a good salon, even though I am countries away from home, and Imma get my hair done because I look so hideous now with my long hair, haha.

     
    • Carizza

      March 24, 2010 at 7:32 pm

      Forcedaccountant. Ang haba naman nun, LOL.

      Aynako, depende sa memories na babalik-tanawan mo. HAHA. Bitter lang e. Pero yeah, still, I will agree.

      I can’t. First, I’m bad at directions. Second, I’m bad at hairstyles and fashion. And third, where are you ba? Like, conio lang. Err, pero bad word pala yun.

      Anyway, since your countries away, I think I’ll take back what I said about sending you plushies. Pag uwi mo na lang ulit para mas mura magpa-LBC. LOL.

       
  6. aperockstar

    March 22, 2010 at 9:39 pm

    pagka-graduate mo in 2 years, magpa-party ka ng bonggang bongga sa Index. Retiro branch.

    nga pala, pag lalaki nagpagupit sa Index – lugi. kasi yung binibida nilang murang gupit sa lalake, eh ganun din ang ibabawas sa buhok mo. 50 hibla lang ang nabawas. Anak ng weteng. lol.

     
    • Carizza

      March 23, 2010 at 5:30 pm

      Nako, lugi manicure dun sa Index. HAHA.

      Sa pagkasabi mong iyan, naalala ko yung commercial ng Cornetto. HAHA.

       
  7. eloiski

    March 22, 2010 at 10:15 am

    kaya yan.
    gagraduate tayo gagraduate tayoooo.
    palibhsasa kasi 5 years tayo eh kaya yan.
    yung mga ibang kabatch ko gagraduate na next year.
    ako heto aral pa rin.

    tignan mo nga at kinocontest contest ka pa sa mtap. henyo ka malamang sa matematika.

    basta magiging enginer din tayo kahit medyo engg-engg nga lang…

     
    • Carizza

      March 23, 2010 at 5:25 pm

      Huwat? Mas matanda pa pala ko sayo. HAHA.

      Nung HS ako henyo. Ewan ko ba na-deplete na ata neurons ko.

      2 years na lang. >.<

       
      • eloiski

        March 23, 2010 at 9:33 pm

        uu ate. ate kita! hakhak!

         
      • Carizza

        March 24, 2010 at 7:22 pm

        HUWAAA wag po. HAHA.

         
  8. maelfatalis is in the sky with diamonds

    March 22, 2010 at 5:52 am

    Ano ka ba, ako nga 7 years na akong nag-aaral at hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa na gragradweyt din ako no!

     
    • Carizza

      March 23, 2010 at 5:15 pm

      Hindi naman na ako pwedeng ma-delay. Kundi mapapatalsik ako sa school namin.😦

       
  9. aksoriyalmo

    March 22, 2010 at 12:41 am

    Gra-graduate ka din.

    Ganyan na ganyan din ako non. Haha.

     
    • Carizza

      March 23, 2010 at 5:15 pm

      HAHA. Nang-inggit pa. Salbahe.

       

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: