RSS

Pag babae nga naman.

28 Jan

Kung bakit kasi naging babae ako. Yan tuloy…
1. …iyakin ako.
2. …maarte ako sa kuko.
3. …naiinis ako pag may pimples ako, lalo na ‘pag sa mukha! Grr.
4. …ayaw ko na oily at naghuhulas ang mukha ko. Sagwa!
5. …conscious ako ‘pag may peklat at dark spots.
6. …palagi akong nai-insecure sa ka-sexihan ng ibang girls. Tsk, kainggit.
7. …bugnutin ako ‘pag may period, kahit na irregular ang period ko.
8. …sinesermonan ako dahil wala raw akong alam sa gawain sa bahay. Sorry na. >_<
9. …tingin ko cute ang color yellow at pink lalo na kapag nail polish.🙂
10. …kapag nagsha-shopping, napapatigil sa cosmetics at naaaliw sa paghahanap ng red lipstick at mascara. Revlon at Max Factor dapat para mayaman, este mayabang!
11. …kailangan ‘pag kumukuha ng picture, yung pang-primary photo sa Facebook.
12. …hindi ako pwedeng mag-shorts at sleeveless hangga’t hindi naka-shave o naka-wax ang legs at kilikili ko. Mga lalake walang pakelam kahit kalahati na ng ruler ang haba ng buhok nila dun.
13. …alam ko ang mga pangalan ng bidang lalake sa Spiderman, Dark Knight at Ironman, kahit di ko alam ang kwento nila. Hehe.
14. …hindi ako tatanggapin sa Petron. Badtrip, napaka-sexist.
15. …hindi ako priority sa trabaho kasi panlalake raw ang field na ‘to.
16. …hindi ako pwede sa Saudi, dahil ang trato sa mga babae doon e pag-aari. Ayoko pa naman ng naa-under! Gusto ko ako ang boss!
17. …hindi pwedeng obvious ‘pag may crush ako. Pa-demure daw dapat.
18. …big deal sa iba kapag nagka-crush ako sa kapwa babae. Bakit? Masama ba ‘yon? Crush lang naman a. Tignan mo yung number 19.
19. …nagtataka/naiinis ako kung bakit nagiging lesbian ang isang magandang binibini, at ganun din kung ang isang magandang binibini ay pumapatol sa isang lesbian. Bakit nga kaya?
20. …kahit na going gaga na ko over a hot papa, hindi ko siya pwedeng ligawan. Takteng yan, bakit sa America casual lang na sabihin mo sa lalake kung gusto mo siya? Unfair talaga. Hindi ka pwedeng mamili kung sinong magiging boyfriend mo, unless super gorgeous ka at maraming nanliligaw sayo. E kung wala? Manigas ka dyan. Huhuhu.
21. …hindi raw magandang tignan kapag umiinom ka at nagyoyosi. Pero okay lang, di naman ako interesado masyado. Pa-try-try lang. Pero hindi pa rin daw magandang tignan. Tss.
22. …takot akong tumandang dalaga, kasi bente na ko wala pa rin akong boyfriend. Nagdududa na tuloy ako kung totoo ngang TLW – true love waits.
23. …worried ako kung magkaka-anak ako sa future. Gusto ko rin kasi ng pagsasalinan ng magagandang genetic traits ko. Progeny nga kumbaga.
24. …madali akong magpadala sa emosyon at mahirap makalimot sa mga karanasang tumatatak sa puso’t isipan. Haist.😦
25. …kapag nai-inlove, masyadong attached. Gusto siya na ang last. Kaso, wala e, ganun talaga…..

 
14 Comments

Posted by on January 28, 2010 in You! Read this!

 

14 responses to “Pag babae nga naman.

  1. fern lia

    August 6, 2011 at 6:20 pm

    mahirap tlga pg 2mboy

     
  2. yiN

    February 22, 2010 at 10:36 am

    Wala naman kaso sa ‘kin yung pang-20 eh. Magsabi ka lang. Hahaa. Heto nagbabasa pa din.

     
    • Carizza

      February 22, 2010 at 5:44 pm

      Haha, ako kasi walang lakas ng loob. Palibhasa insecure. Takot ako ma-reject. Haha.

       
  3. arvin

    February 3, 2010 at 9:34 pm

    dumaan ako ngayon sa iyo..ayos ang number 5..di nga naman bagay sa iyo kapag may ganun ka..

     
  4. J.Kulisap

    February 2, 2010 at 4:09 pm

    Devirginazation Certificate lamang hija.
    Mayron ata sa NSO (biro laang ire).

    Kahalihalina dapat.

    Huwag ng mahiya. Dapat proud sa sarili, sa tamang oras, sa tamang pagdadala.

     
    • sapphire

      February 2, 2010 at 7:42 pm

      Haha. Nako saka na yun sa tamang panahon.

      Ay kuya, proud naman ako sa sarili ko. Hindi man panlabas ako lamang, marami pa rin akong kahali-halinang katangian.🙂

       
  5. J.Kulisap

    February 1, 2010 at 8:00 am

    Ibig sabihin ikaw ay isa pang certified virgin?

    Yan ang Pilipina, mahinhin.
    Mayumi at kahalihalina.

    Sa babae, ayaw ko ng masyadong maarte, pero ayaw ko din naman ng nakakalimutan niyang babae siya.

     
    • sapphire

      February 1, 2010 at 6:07 pm

      Aha. Opo virgin pero wala akong certification, san ba kumukuha nun? Haha.

      At hindi rin po ako mahinhin at kahali-halina. Haha.

       
  6. Mr Alem Bong

    February 1, 2010 at 12:09 am

    Sa number19 eh parang pag pumatol ang lalake sa bakla eh bakla na din. Nakakainis nga talaga yang ganyang pagiisip ng mga tao dito sa atin. Parang sinabi nilang pag pumatol ang lalake sa babae, eh babae na din yung lalake. Chaarrr!

    I love this post. Nakakaaliw basahin. Yung number 1-9 ganyan din ako.

     
    • sapphire

      February 1, 2010 at 6:06 pm

      Haha. Number 1-9 talaga e no. Pano naman ung dulo? Haha.

      Sensitibo nga ang isyu ng third sex. May nainis nga e. Hindi naman ako nang-ooffend. Tanggap ko naman. Iba lang ng pananaw. Diba sis?:)

       
  7. arvin

    January 31, 2010 at 10:52 am

    nakapunta ko dito dahil sa pag post ko ng Santino sa filipinowriter.com…..baguhan lang kasi ako doon kasi bloggers ako since 2008 pa..bakit mo naman delete ang post na ito..sana hinayaan mo na lang..sana makabisita ka rin sa blog ko na http://www.arvin95.blogspot.com

     
  8. arvin

    January 31, 2010 at 10:45 am

    kumusta na..napunta ako dito sa website mo dahil sa filipinowriter.com na nagpopost din ako..baguhan lang ako doon..bloggers kasi ako since 2008 pa,hehe..ang post mong ito ay delete mo na doon as you said..buti nabasa ko dito,hehe..can you be my friend..sana malaman ko ang email address mo..ang email add ko ay nasa blog ko at sana mag message ka para ko makuha ang email add mo..iniimbitahan rin kita na bumisita sa blog ko at sana maging masaya ang pagbisita mo sa blog ko..ito po ang blog ko http://www.arvin95.blogspot.com

     
  9. kaspangarigan

    January 30, 2010 at 1:44 am

    Dito ka lang naman sa mundong ito naging babae kasi sa langit pare-parehas na tayo.

    Mt 22:30 Sapagka’t sa pagkabuhay na maguli ay hindi na mangagaasawa, ni mga papagaasawahin pa, kundi gaya ng mga anghel sa langit.

     
    • sapphire

      January 30, 2010 at 6:49 pm

      Opo nga. Masaya pa rin naman.🙂

       

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: