RSS

Gagong Tula

03 Dec

Hindi ko sana nais

na sayo’y mainis.

Ngunit sa isang bigkis

ng oras na kay bilis,

isip ko’y nalihis

at dito’y dumaplis

ang galit na labis.

Gusto ko sanang gumawa

ng malinis na tula

upang magpakawala

ng damdaming masama.

Ngunit nawari ko bigla

na hindi yata tama

na ang aking mga akda

ay puro ikaw ang paksa.

Isa pa’y ayoko na rin

na muling alalahanin

ang anumang naging “atin”

sapagkat alam naman natin

na ang pagpilit kong ika’y limutin

ay isa pa ring malaking suliranin.

Kaya’t ako’y bubuntung-hininga ngayon

sa huling pagkakataon

habang ang alaala ng noon

ay unti-unting ibabaon.

Iiwan ko na ang kahapon

at hindi na muling lilingon.

 
2 Comments

Posted by on December 3, 2009 in Healing Oneself

 

2 responses to “Gagong Tula

  1. orewatensai

    December 8, 2009 at 2:38 am

    ramdam ko sa tulang ito na hirap parin ang may akda sa buhay-buhay. tama lang na ilabas mo sa salita. may makinig lang na isang tao, sapat na.

     
    • sapphire

      December 9, 2009 at 5:49 pm

      Tama ka jan. Sa FW pag nagko-comment ako kala mo kung sinong tigasin diba. :))

      Akala ko kasi ok na talaga. Pero paminsan, pag naaalala ko xa. Magkahalong lungkot at galit pa rin ang nararamdaman ko.

      Hirap nga ng walang mapagsabihan e. Pero ganun talaga, idadaan na lang sa mga sulat.

       

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: