RSS

Ngayon Pa Lang Ako Magpapa-kilala

Mahigit isang taon na pala akong nagpo-post dito. Oo nga no. Ngayon ko lang nalaman. Bihira na kasi akong magsulat ngayon. Hindi tulad noong high school pa ako na mas inuuna ko pa ang pagsusulat ng kung anu-ano kaysa sa mag-aral para sa graded recitation. Madalas din dati na bago ang Friendster(wala pang Facebook noon), MS Word muna ang bubuksan ko at magsisimula na namang dugtungan ang isa sa mga nobela ko o magsulat ng panibagong lathalain. Pero dati ‘yun. Ngayon, tamad na tamad na akong magsulat.

Hindi ko lubos maisip kung paanong natatawag ko ang sarili ko na isang manunulat(madalas writer ang gamit ko dahil mas “magaling” akong magsulat sa Ingles kaysa sa Filipino) gayong hindi naman ako tapat sa pagsusulat, kung gayong madamot akong magsulat. Pero salamat na lang talaga, hindi nagtatampo ang mga salita. Kung sakali, mamamatay na lang ako sa pagkikimkim ng lahat ng sama ng loob.

Pero kahit alam kong kakaunti lamang ang bumibisita sakin dito(at wala akong kilala sa personal), magpapakilala na rin ako. Hindi pa naman siguro huli ang lahat diba? Isang taon pa lang naman ang lumipas. Hehehe.

Ako si Carizza(hindi tunay na pangalan – joke). Hindi ko na sasabihin ang edad ko dahil patuloy naman iyong magbabago sa paglaon ng panahon hindi tulad ng pangalang ipinakilala ko. Pero sige para may ideya kayo, 1989 nang ipanganak ako. Siguro nga bata pa, pero para sa akin hindi na. Hindi naman nasusukat sa bilang ng taon ng pamumuhay ang tunay na edad. Kumbaga, iba yung “growing old” sa “growing up”.

Forced engineer ang naisip kong itawag sa akin, dahil nga napipilitan lang akong ipagpatuloy ang kurso kong Chemical Engineering. Sana lang, ang lahat ng pinagdadaanan ko ngayon ay magbunga pagdating ng araw.

Hindi ako palakaibigan sa personal(kaya ako napagkakamalang suplada). Mahiyain kasi ako. Pero kapag ganitong usapang malaliman o kahit iyong biruan sa taong hindi ko nakikita, ibang tao raw ako. Malayo sa tahimik na Carizza sa totoong buhay. Ewan ko ba. Siguro mga salita lang ang nagbibigay ng kulay sa malungkot kong buhay ng pagiging mahiyain at mapag-isa.

Sa mga nagbabasa nito, gusto ko lang magpasalamat. Natutuwa ako na may nababahagian ako ng aking sarili kahit hindi tayo magkakilala. Kung sabagay, pwede namang dito tayo maging magkakaibigan diba?

Sa mga susunod na araw, sana mas marami pa akong makasalamuha nang sa gayon ay magkaroon ako ng bagong pananaw tungkol sa buhay. :)

Pwede pala akong maging kaibigan. Text lang kayo. Comment. O kaya message. Dito pwede. O dito rin. http://facebook.com/carizza.xxiv

 

29 responses to “Ngayon Pa Lang Ako Magpapa-kilala

  1. nuelene

    March 16, 2012 at 7:17 pm

    Hello! Matagal na ko sa WP pero ngayon lang ako napagawi sa blog mo. :) I think I’m going to enjoy reading here.

     
    • forced engineer

      July 6, 2012 at 4:46 pm

      Hi. Welcome sayo. :) Matagal na din akong….. wala sa WP. Pero sana ikaw sulat ka pa rin ha. :)

       
  2. purplebrightsummer

    April 29, 2011 at 9:24 pm

    hey. I like your site. I’m new in wordpress .. also looking for some blogfriends. Hope you can be one. :)

     
    • Carizza

      May 3, 2011 at 1:23 pm

      Wow, welcome to WP. But my site is dead. HAHA. :)

       
  3. Reymos

    December 15, 2010 at 9:18 pm

    Alam ko na kung bakit naging forced engineer ka. My first choice to pursue in uni was ChemEng. I did take the UP entrance exam but I was not smart enough to be accepted… No regrets of finishing Civil Engineering in a state uni… and did postgrad studies abroad…To find out more, this is my other blog site dedicated to my profession: The DigitalEnvironmentalistwhich Im proud that it is being recognised as one of the best blogs in environmentalal and civil engineering.
    Merry Xmas!

     
    • Carizza

      December 16, 2010 at 9:46 am

      Wow, I love success stories.

      I will visit the site. Thanks for dropping by. :)

       
  4. harold

    November 1, 2010 at 1:12 pm

    hehe padd po sa blogroll

     
    • Carizza

      November 2, 2010 at 10:57 am

      OKEY PO! :D Salamat sa pagdaan!

       
  5. philip

    July 6, 2010 at 11:30 pm

    pabasa lang po.. :D

     
  6. slaveboi

    February 25, 2010 at 10:52 am

    Hey hey. What have you been up to? :p Surely, not studying still? :p

     
    • Carizza

      February 25, 2010 at 6:29 pm

      I absolutely flunked the last exam. LOL.

      So I guess, yeah. I’m not studying. HAHAH.

      You’ve been stalking me, huh? :))

       
  7. Lemon Writer

    February 24, 2010 at 12:30 am

    i’ve been running around your blog for quite some time now and i can say you write very interesting stuff.

    keep on rocking.

     
    • Carizza

      February 24, 2010 at 8:24 pm

      I have to say that you really made me happy. I will always remember that. :)

      Really, I can’t say thank you enough.

       
  8. yiN

    February 22, 2010 at 10:28 am

    Oh hindi daw suplada, enge’ng bente? Balik ko mamaya. Siguro kung tinuloy ko course ko o kaya kumuha din ng chem eng eh meron ng emperador sa tetra o doy pack. Tingin mo pwede yun?
    Bihira ako ma-engganyo sa buong blog, madalas may mga poste lang na gusto ko, pero mukhang mapapadalas ako dito. Keep writing. Adik-adik ako ngayong araw na ‘to matitino mga kinokomento ko sa lahat ng madalaw ko hahaha. Nakita pala kita sa bahay ni orville.

     
    • Carizza

      February 22, 2010 at 5:41 pm

      Pag ba binigyan kitang bente hindi na ko suplada? Uto-uto lang? Haha. Adik ka.

      Ano bang course mo dati? Pwede yun ah! Kaso parang ang weird i-strawhin ng empy. Haha. (Like I know, I don’t drink.)

      Nako, pressure ba yan? Baka mainip ka sa paghihintay sa post ko haha. Kailangan kasi may trigger muna bago ako makapagsulat. Maarte e. Haha.

      Salamat sa dami ng comment mo, natutuwa ako sayo. :)

       
  9. William P. Nucasa

    February 18, 2010 at 4:16 pm

    Mmm…si Sapphire ay si Carizza pala…di ko pa kasi nabasa ang entry mong ito bago ako nag-leave ng comment sa article mong bumagbag sa puso ko!!!
    I like the way u write…simple pero nakasasaling ng damdamin. At hinahangaan kita dahil diyan!
    Nagdropby lang again ako, whyl i dont hav a class. Next time, ung ibang entry mo naman ang aking babasahin.
    Ingat. Try to love the course you are taking pala…
    God bless, my friend!

     
    • sapphire

      February 18, 2010 at 8:00 pm

      Nice! Salamat Kuya Wilz. :D God bless din!

       
  10. alaehboi

    December 21, 2009 at 10:55 pm

    ehem…un muna sa ngayon…

     
    • sapphire

      December 22, 2009 at 11:20 pm

      Ahaha salamat sa pagdaan at pagpaparamdam. :)

       
  11. juanmarqz

    December 6, 2009 at 9:33 am

    oops: could

     
  12. juanmarqz

    December 6, 2009 at 9:32 am

    you should tell me what of my webblog like the most and what you would you like I coul write for you,

    nah!…

    in the end this is just to say hello!

     
    • sapphire

      December 7, 2009 at 11:00 am

      Yes, hi. Don’t worry, if I have math problems, you’ll be the first person I’ll ask. :)

       
  13. Mr Alem Bong

    December 3, 2009 at 8:41 pm

    I love reading your entries. Galing! :)

     
    • sapphire

      December 3, 2009 at 8:42 pm

      Aww. Thank you for that. I really appreciate it. :(

       
  14. sinta

    November 22, 2009 at 2:52 pm

    at sana matutunan talaga nating kilalanin ang ating mga sarili, higit pa sa ginawa nating pagpapakilala sa mundo…

    alam mo, hindi ako takot maka shake hands ang presidente ng amerika o ng pinas, mas takot akong maka shake hands ang sarili ko at pagkatapos ng pasmadong pagkakamayan, mauuwi ang lahat sa masaklap ng irap.

    Sinta

     
    • sapphire

      November 22, 2009 at 7:58 pm

      Sinta! Hindi ko alam kung pangalan mo talaga yon. Pero natutuwa akong nandito ka. Ikaw ang unang taong nagsabi sakin na mahusay akong magsulat. At na-appreciate ko talaga yon. :)

      Sana nga ay pagkatapos ng lahat, tunay na makilala natin ang ating sarili, nang sa gayon ay makilala tayo nang lubos ng mga taong nasa paligid natin.

      At sana, makilala rin kita. Kahit walang kamayan. Ngunit sana wala ring irapan. :) Maraming salamat sayo. :)

       
  15. John Ryan Recabar

    November 22, 2009 at 1:16 pm

    nakatutuwa….

     
    • sapphire

      November 22, 2009 at 7:55 pm

      Maraming salamat. :) Akala ko purely Inglisero ka. Salamat sa pagdaan mo dito.

       

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: