RSS

Bakit Kailangang Ako Ang Masaktan?

23 Nov

Ito na marahil ang palaging tinatanong ng mga taong sawi, iniwan, pinagpalit. Bakit nga ba kailangang sila, tayo, ako ang dapat masaktan?

Nakakainis ang pagiging unfair ng mundo. Ikaw na nga ang nagmahal, nang sobra pa sa binibigay niya, ikaw pa ang iiwan, pagsasawaan, papalitan dahil may kulang… dahil kahit binigay mo na lahat, hindi pa rin naging sapat.

Bakit nga ba ganun? Ang mga taong mahirap abutin, hinahabol. Pero ang taong nasa loob na ng kamay, hindi hinahawakan ng mabuti. Bakit nga ba ganun? Bakit nga ba… ganon.

Halos isang buwan na nang magkahiwalay kami. Unti-unti ay nakakalaya na ko mula sa mga tanikala ng kanyang alaala. Ngunit, dahil nga sa may pagka-unfair ang mundo, siya naman ang lumalapit. Hindi nanunukso, kundi nagpapa-alala. Mag-uumpisa sa kamusta. Syempre, bilang “civil”, sasagot naman ako ng “okay lang, ikaw?”. At sasagot naman siya. Magpapa-kwento. Magtatanong. Mag-iinarte. Bakit daw hindi ko sinasagot ang tawag niya. Hindi ko naman masabi na “Syempre ayoko na kita maalala.” kaya sasabihin ko na lang “Hindi ko na kasi maasikaso. Pasensya ka na.”

Ang kinaiinis ko ay iyong sasabihin niyang “Miss na kita.” Naiinis ako na maglalambing pa siya. Kinaiinisan ko ang pag-aya niya sakin na makipag-date. Nakakainis na kailangan pa niyang ipaalala ang mga bagay na halos kabaliwan ko sa pagpilit na makalimutan.

Bakit kailangang ako ang masaktan? Ako na babaeng nagpakatatag para sa aming dalawa. Ako na tumaliwas sa kagustuhan ng aking magulang. Ako na kumalimot sa aking pansariling hangarin upang siya ay maging masaya. Bakit ako? Nagmahal lang ako. Nagmahal ako, marahil, sumobra na kasi, at umapaw na ang banga ng kanyang pagtanggap. Sumobra… ang pagmamahal ko sa kanya. Ngunit hindi pa rin sapat upang pigilan siyang maghanap ng iba.

Hindi ako nagsisisi na minahal ko siya. Kung may pagsisisihan man ako, yun ay ang pagkukulang ko… sa aking sarili. Alam kong hindi ako nagkulang sa pagmamahal na binigay ko sa kanya, at kung may hindi man siya mahanap, iyon ay wala sa aking mga kamay – sapagkat ito lang ako, ito ako. Hindi ko kayang maging ibang tao. Hindi ko kayang pantayan ang babaeng pangarap niya. Kung mahanap man niya iyon, masaya ako para sa kanya. Pero alam kong kahit mahanap niya ang babaeng pangarap niya, hindi pa rin niya malilimutan ang aming pinagsamahan.

Iyon marahil ang dahilan kung bakit ayaw niya akong pakawalan, kung bakit ayaw niya akong palayain mula sa pagkagapos sa kanya, kung bakit ayaw niya akong mawala. Ayaw niyang mawalan. Ngunit nagpaalam na siya hindi ba? Hindi na niya ako maaaring sabihan ng kung anong gusto niyang gawin ko.

Pumayag ako na maging magkaibigan kami. Sa anong dahilan? Tinatanong ko ang sarili ko. Gusto ko lang bang ma-realize niya na mali siya ng babaeng pinili?  Gusto ko lang bang makita niya na ako pa rin ang babaeng mas makapagpapasaya sa kanya? Gusto ko lang bang mahulog muli ang loob niya sa akin at ibalik sa kanya ang sakit ng mawalan ng minamahal? Katulad ng tulang isinulat ni Ernesto Cardenal:

Nang ikaw ay mawala sa akin, ikaw at ako ay nawalan.

Ako, sapagkat ako ay nawalan ng minamahal.

Ikaw, sapagkat nawalan ka ng nagmamahal sa iyo.

Ngunit sa ating dalawa, ikaw ang mas higit na nawalan.

Sapagkat kaya kong ibigay sa iba ang pagmamahal na ibinigay ko sa iyo.

Ngunit wala nang magmamahal sa iyo ng tulad ko.

Bakit nga ba ako pumayag na magkaroon pa rin kami ng ugnayan?

Marahil, sapagkat…

Ako man ay ayaw na mawala siya ng tuluyan.

About these ads
 
10 Comments

Posted by on November 23, 2009 in Oo na, heartbroken na.

 

10 responses to “Bakit Kailangang Ako Ang Masaktan?

  1. ainie

    February 24, 2011 at 10:44 am

    tama,dapat maging matatag tayo..kung siya tlaga ang para sa atin sympre allah knows…pero sa ngayon dapat harapin natin ang mga pgsubok na darating sa ating buhay…kaya natin yan..aja

     
  2. jesza

    August 24, 2010 at 9:47 pm

    hay sakit talagang masaktan kulang nalang sakin kunin ung puso at palitan ng bago marami ngang nagmamahal sakin pero kung cno pa ung minahal ko sya pa ung di ako mahal sabagay madali lang nmng kalimutan yon!! pero mhirap mg move on kc my moments dito,my moments doon……kung san ako magpunta naandun parin ung alaala na nagssv nah dito kanya niyakap dvah?..,d2 ka nya hinolding hands dvah?…,d2 nya rin cnv na mahal n mahal kita at d kita iiwan dvah? hay sa lawak ng mundo panu ko bah mahahanap ung para sakin kung pwede nga lang eh ngayun muna nakakacnyahan ung magiging asawa mu pero hindi eh alam ko kc pag nangyare un parang ang damot nmn nun kaya lng hirap kc eh lalo akong nhhrapang mag move on gawa ng lagi ko syang nakikita at nakakasabay sa anumang bgay pilit akong lumalayo pero napapalapit parin kme sa isat isa……….hayyy hirap ;”-(

     
    • Carizza

      August 25, 2010 at 10:30 pm

      Hay nako ate. Lahat tayo ay may pinagdadaanang sakit. Walang nagsabing madali mag-move on, pero walang ibang gagawa nun para satin kundi tayo. Sinusubok man tayo, dapat hindi tayo magpadala sa hirap, kailangan lang natin magpakatatag. Hayaan na lang natin na ang mga memorya ang magpaalala sa atin kung ano ang dapat natin gawin sakaling maulit muli.

       
  3. aly

    February 21, 2010 at 9:12 am

    totoo, sobra ang sakit na hanggang ngyaon dala ko pa din.. T.T ilang lalaki na din ang tinanggihan ko dahil sya tlga ang mahal ko.khit pansariling kasiyahan ko wala na… isang pagkakamali lng yon pero parang ako lahat ng suffer..parang wala lng skania, sa lhat ng nging clasmate ko lahat yon inapancin nia pero pagdating skin wala na..deadma lng, parang my galit pa din, na dmo alam kung mahal pa nya ako o pinararanas nya skin ung sakit na minsan naiwan ko skania! gusto ko lng mlaman kun my pag asa p ba n maibalik yung sa min dati.. dhil naipagpalit ko xa T.T

     
    • Carizza

      February 21, 2010 at 7:36 pm

      Sa pananaw ko kasi Hindi tulad ng mga babae, ang marami sa mga lalake ay Hindi na nagbibigay ng pangalawang pagkakataon. Ikaw naman ang may sala, dapat minh harapin ang mga yan. Hmm. Siguro ay hindi Lang din niya nakalimutan ang sakit na naramdaman niya. Sa panahon siguro ay mapapatawad ka Rin niya. At ikaw, dapat patawarin mo rin ang sarili mo dahil Kung Hindi, Hindi ka talaga makakalaya at magiging masaya.

       
  4. William P. Nucasa

    February 10, 2010 at 6:44 pm

    sapphire,
    Bakit kailangan nating masaktan? -upang sa hinaharap ay maramdaman natin ang tunay na ligaya…sa sitwasyon mo, ang tamis ng tunay na pagmamahal.
    Pag daw pinagsarhan tayo ng bintana, isang bagong pinto ang ibubukas Niya para sa atin. Hangad ko na isang araw (sa natatanaw nang bukas) ay bibigyan ka Niya ng pag-ibig na higit na karapatdapat.
    Tama ka, unfair ang mundo. Pero ito ang batas ng larong mabuhay… ang pag-ibig ay sugal… kaya mag-ingat at laging manimbang.
    Hangad ko ang iyong kaligayahan at tagumpay sa buhay.
    Kuya Wilz

     
  5. loren

    December 11, 2009 at 2:35 pm

    oo nga naman grabe pag nasaktan halos durog na ang puso mo sa sobrang sakit halos gusthin mo nang magpakamatay paulit ulit akong umiiyak sa sobrang sakit ng puso ko…hai bakit ba ganyan kung kailan tayo umibig ng totoo saka tayo masasaktan……..

     
    • sapphire

      December 15, 2009 at 6:59 pm

      Tulad nga ng nasabi, walang makapagsasabi kung kelan magmamahal at kung kelan titigil magmahal. Hindi rin naman natin malalaman na masasaktan tayo ng taong minahal natin. Ang dapat lang, ay wag nating talikuran ang pag-ibig dahil sa isang tao lamang. At ang magandang gawin, ay mahalin na lang muna ang ating sarili sa paraan na gusto nating tayo ay mahalin. :)

      Tama na ang pagsisisi at pagmumukmok sa isang tabi. Ganun talaga ang buhay, kailangan nating makaramdam maging ng sakit, para maranasan natin kung paano ang mabuhay. :D

      Gets mo ba? HAHA. :D

       
  6. sinta

    November 28, 2009 at 1:12 pm

    hi sis,

    normal na sa atin ang masaktan. kapag nakapag move on ka na at binalikan mo ‘yung mga past mo, matatawa ka na lang.

    ang mga lalaki (Id been with different kinds of men before and i never enjoyed watching them trying to move the earth with just one blow) kapag pinakita mo sa kanilang mahal na mahal mo sila, lumalaki ang ulo n’yang mga ‘yan, feeling nila sila ang hari sa mundo mo kaya kahit wala na k’yo me feeling pa din sila. :) ‘yung iba lang namang lalaki, di ko nilalahat at sana ma extinct na ang mga ganyang klase ng boys. :)

    h’wag mong sanayin ang sarili mo na masaktang ng paulit-ulit dahil sa iisang dahilan. kapag nasanay ka, hindi mo na ma e-enjoy ang buhay.

     
    • sapphire

      November 28, 2009 at 8:56 pm

      Galing mo talaga sinta. HEHE. Salamat ha. Tama ka.

      Kaya ngayon, kakalimutan ko na siya. :)

       

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: